Thursday, August 15, 2019

Lex Tubiera


Lex Tubiera
Komiks Illustrator

Dekada 60 rin nakilala ang komiks illustrator na si Lex Tubiera at natunghayan ang kanyang mga larawang guhit sa mga komiks na pinamamatnugutan ni Mr. Cil Evangelista (Literary Song-Movie Komiks, Popular Klasiks, Vista Komiks). Ayon kay Mr. Cil Evangelista, mga cover illustration lang ang idinidibuho ni Lex Tubiera dahil nasa advertising agency ito. Isa sa cover illustration na idinibuho niya at naging tampok na kuwento sa Vista Komiks ang “Dulot ng Aliw” na sinulat ni Mr. Evangelista. Ito ay nalathala noong 1961. According to Mang Cil, first time na nagdibuho ng nobela si Lex sa Literary Song-Movie Komiks at ito ay noong 1966 kung saan naka-tandem niya sa kanyang nobelang “Iris”.  Komixpage is remembering former komiks illustrator Lex Tubiera

 
(Courtesy of Mr. Cil Evangelista)
Dulot ng Aliw
Written by Cil Evangelista
Vista Komiks cover illustration of Lex Tubiera


Tatlong Pirasong Pilak
Written by Jose Miranda Cruz, Mario Mijares Lopez,
and Princillo Evangelista
Vista Komiks cover Illustration of Lex Tubiera

Saan ako Paroroon?
Popular Klasiks cover illustration of Lex Tubiera

Iris
A novel written by Cil Evangelista
Illustrated by Lex Tubiera


Friday, August 9, 2019

Oseas Magpayo




Oseas Magpayo
Komiks Illustrator

Isa pang Magpayo ang naging aktibong dibuhista sa komiks noong dekada 60, siya si Oseas Magpayo. Noong una, napagkamalan ko na obra rin ng isa pang Magpayo ang kanyang mga larawang guhit pero hindi pala. Gaya ni Joel Magpayo, naging contributor din ng kanyang mga larawang guhit si Oseas Magpayo sa mga komiks na pinamamatnugutan ni Mr. Cil Evangelista (Popular Klasiks, Vista Komiks, Literary-Song-Movie Komiks) Isa sa mga naiguhit ni Oseas ang kuwentong may kaugnayan sa paggunita sa pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang “Bukang Liwayway, Ika-7 ng Desyembre” na sinulat ni Cil Evangelista at naging cover story ng Vista Komiks noong1962. Idinibuho rin niya ang “Palaboy ng Langit” na sinulat ni Ric Espiritu. Komixpage is remembering former komiks illustrator Oseas Magpayo.

Literary Song-Movie Komiks
Cover illustration of Oseas Magpayo

Bukang Liwayway sa ika-7 ng Disyembre
Written by Cil Evangelista
Illustrated by Oseas Magpayo

Palaboy ng Langit
Written by Ric Espiritu
Illustrated by Oseas Magpayo




Monday, August 5, 2019

Virgilio G. Torres


Virgilio G. Torres
Komiks Illustrator

Isa pang Torres ang nakita kong nakapagdibuho sa komiks, siya si Virgilio G. Torres. I have no idea kung may relasyon siya sa veteran komiks illustrator na si Elpidio Torres.  Sa nakita ko hawig ang kanyang estilo sa mga obra ni Rico Rival at  ang naging kaibahan lang ay mas refined ang kay Virgilio at loose ang kay Mang Rico. Ilan sa mga nakita kong idinibuho niya ay ang kuwentong “Chess” na sinulat ni Vic J. Poblete, “Isang Pumpon ng Rosas” na sinulat ni Nerrisa Cabral at “Kailan pa Kita Mamahalin” ni Elena M. Patron.  Maraming naging ambag na larawang guhit si Virgilio Torres sa panahon ng kanyang pagiging aktibo sa industrya kaya karapat–dapat lang na bigyan din siya ng pagpapahalaga sa mga nai-contribute niyang mga obra. Komixpage is remembering former komiks illustrator Virgilio G.Torres.

Chess
Written by Vic Poblete
Illustrated by Virgilio G. Torres

Kailan Pa Kita Mamahalin
Written by Elena M. Patron
Illustrated by Virgilio G. Torres

Isang Pumpon ng Rosas
Written by Nerrisa Cabral
Illustrated by Virgilio G. Torres


Tuesday, July 30, 2019

F. Escover


F. Escover
Komiks Illustrator

Isa pa sa mga old timer na komiks illustrator na gusto kong maisama sa talaan ng mga illustrator sa aking Komixpage. Siya si F. Escover na naging aktibo sa pagdidibuho noong late 1950’s hanggang 1960’s.  Estilong Redondo rin ang kanyang mga dibuho at maraming  naging ambag na larawang guhit sa Philippine old traditional komiks. Isa sa nakita kong idinibuho niya ang nobelang sinulat ni Van Ludor na nalathala sa Screen Komiks noong 1960, ang “Krus a Daan” na isinalin sa pelikula ng Master Production. Komixpage is remembering former komiks illustrator F. Escover.

Krus na Daan
Written by Van Ludor
Illustrated by F. Escover



Thursday, July 25, 2019

Rudy C. Beltran

Rudy C. Beltran
Komiks Illustrator

Another former komiks illustrator during the 1960’s si Rudy C. Beltran. Katulad ng ibang dibuhista sa panahong iyon nakapag-ambag din ng kanyang mga larawang guhit sa old traditional komiks si Rudy. Sa nakita kong obra na ginawa niya  estilong Redondo rin ang kanyang dibuho. Siya ang nagdibuho ng nobelang sinulat ni Rosario De Guzman Lingat sa komiks at may titulong “Ang Pulseras na Ginto”. Natitiyak ko na marami pang obra na ginawa si Rudy Beltran sa komiks noong aktibo pa siya sa pagdidibuho and I am glad na maisama ko rin siya sa humahabang listahan ng mga komiks illustrator na aking nai-feature na dito. Komixpage is remembering former komiks illustrator Rudy C. Beltran.

Ang Pulseras na Ginto
Written by Rosario De Guzman Lingat
Illustrated by Rudy Beltran



Saturday, July 20, 2019

Delfin E. Trigo


Delfin E. Trigo
Komiks Illustrator

Isa pa sa naibahagi ni Mr. Cil Evangelista para ating maipakilala at maisama sa aking komixpage list of former komiks illustrator si Delfin E. Trigo. Naging dibuhista rin siya sa komiks noong dekada 60 at nakapag-ambag ng kanyang mga larawang guhit sa komiks particularly sa mga komiks na pinamamatnugutan ni Cil Evangelista (Popular Klasiks, Literary-Song-Movie Komiks, Vista Komiks). Siya ang nagdibuho ng kuwentong “Kayo ang Humatol” na sinulat ni Jess Ver Galang. Komixpage is remembering former komiks illustrator Delfin E. Trigo.

(Courtesy of Cil Evangelista)
Kayo ang Humatol
Written by Jess Ver Galang
Illustrated by Delfin E. Trigo

Monday, June 10, 2019

Eddie Magat


Eddie Magat
Komiks Illustrator

Isa pa sa mga komiks illustrator noong dekada 60 na luminya sa estilo ni Redondo ang dibuhistang si Eddie Magat. Hindi ko  inabot ang panahong aktibo pa sa pagdidibuho sa komiks si Eddie , but thanks to Mr. Cil Evangelista who continue to post in his FB page dahil nakakadiskubre pa ako ng mga komiks illustrator na naging bahagi ng komiks noon as a contributor of their artworks and considered among the faces of Philippine traditional komiks. Isa sa kuwento na iginuhit niya ang “Insomnia” na sinulat ni Ric Torres, at nalathala sa mga komiks na pinamamatnugutan noon ni Mr. Cil Evangelista. With these, Komixpage is remembering former komiks illustrator Eddie Magat.

(Courtesy of Cil Evangelista)

Insomnia
Written by Ric Torres
Illustrated by Eddie Magat



Saturday, May 25, 2019

Gil Tamondong


Gil Tamondong
Komiks Illustrator

Another Redondo style komiks artist na pumalaot sa pagdidibuho sa komiks si Gil Tamondong. Nagdibuho rin siya sa mga komiks na pinamamatnugutan ni Mr. Cil Evangelista noong dekada 60-70. Sa kanyang estilo, makikitang plakado nga kay Mang Nestor ang kanyang mga larawang guhit. Isa sa nakita kong idinibuho niya sa komiks ang kuwentong “Dakilang Kapatid” na sinulat ni Don Dizon  and I am sure marami pa siyang naging ambag na mga larawang guhit sa ating traditional komiks noong panahong aktibo pa siya sa larangang ito. Komixpage is remembering former komiks illustrator Gil Tamondong

(Courtesy of Cil Evangelista)
Dakilang Kapatid
Written by Don Dizon
Illustrated by Gil Tamondong


Sunday, May 19, 2019

Vicente G. Asuncion



Vicente G. Asuncion
Komiks Illustrator

Noong dekda 60, maraming unknown komiks illustrator na patuloy kong nadidiskubre dahil kay Mr. Cil Evangelista, and my komiks blog was very thankful to him.  Dahil sa kanya, nagkaroon ako ng tsansang maipakilala  sa inyo ay maipakita ang obra ng mga dibuhistang ito na hindi ko inabot ang panahon ng  paging aktibo sa komiks.  Isa dito si Vicente G. Asuncion na nakapagdibuho rin sa mga komiks na kanyang pinamamatnugutan noon (Vista Komiks, Popular Klasiks and Literary Song-Movie Komiks) Isa sa kuwentong naidibuho niya ang “Sa Muling Pagkikita” na sinulat ni Don Dizon. Komixpage is remembering former komiks illustrator Vicente G. Asuncion


(Courtesy of Cil Evangelista)

Sa Muling Pagkikita
Written by Don Dizon
Illustrated by Vicente G. Asuncion

Friday, May 10, 2019

Dar Medina


Dar Medina
Komiks Editor

Naging komiks editor si Dar Medina sa GASI.  Isa siya sa humawak ng Nightmare Komiks noon at nakapagsumite rin ako sa kanya ng mga sinulat kong kuwento para sa Nightmare Komiks noong dekada 90. Ganoon man hindi ito hadlang para makapagbahagi rin siya ng kanyang mga sinulat na obra sa komiks. Ilan sa mga sinulat niyang nobela ang “Night Class” na idinibuho ni Prong at “Xanra”  na idinibuho naman ni Luisito Antonio at nalathala sa Dugo Komiks na inilimbag ng Infinity Publication. With his contribution as an editor and as a writer, Komixpage is remembering komiks editor/writer Dar Medina.

Night class
Written by Dar Medina
Illustrated by Prong

Xanra
Written by Dar Medina
Illustrated by  Luisito Antonio




Thursday, May 2, 2019

Blen Chua


Blen Chua
Komiks Writer

Isa sa natatandaan ko na nakabisita sa aking Komixpage Blog noon at nagparamdam  ang dating komiks writer na si Blen Chua. Marami siyang obrang sinulat  at nalathala sa mga komiks ng GASI, taong 1990’s, bago nagsara ng tabing ang komiks industry. At last, nakakita rin ako ng isa sa kanyang mga obra. Siya ang sumulat ng kuwentong “Kandila Ulit” na idinibuho ni Almira Danganan at nalathala sa Aliwan Komiks noong 1995.  Narito ang kanyang maikling mensahe noon sa  aking comment box: “Hi Arman, Warren. Blenn here. Like most people from komiks, iba na rin ang career ko. I switch to photography, another hobby. My God, hindi ko yata kakanin magtrabaho. I need to enjoy and love the stuff I'm doing. In short, heto...wala pa rin pera ha ha!” Nakatutuwang alalahanin na minsan ay nakasama at naging bahagi rin ng komiks si Blen nakatagpo ng bagong mundo sa silong ng langit. Keep it up Blen and good luck too. Komixpage is remembering komiks writer, Blen Chua.

Kandila Ulit 
Written by Blen Chua
Illustrated by Almira Danganan



Saturday, April 20, 2019

Don Dizon


Don Dizon
Komiks Writer

Isa sa mga naging aktibong manunulat sa komiks noong dekada 60 si Don Dizon. Naging regular contributor siya sa mga komiks na pinamamatnugutan ni Cil Evangelista (Vista, Popular Klasiks, Literary Song-Movie Komiks). Marami siyang naging ambag na kuwento sa komiks at ilan dito ang “Karupukan sa Takbo ng Buhay” na idinibuho ni Narcing Anastacio, “Dakilang Kapatid” na idinibuho ni Gil Tamondong, “Sa Muling Pagkikita” na idinibuho ni Vicente Asuncion at ang “Marumi na” na iginuhit naman ni Leonardo Castro. Komixpage is remembering former komiks writer Don Dizon.


(Komiks images courtesy of Cil Evangelista)
Karupukan sa Takbo ng Buhay 
Written by Don Dizon and Lita O Lita
Illustrated by Narcing Anastacio

Sa Muling Pagkikita
Written by Don Dizon
Illustrated by Vicente Asuncion

Dakilang Kapatid
Written by Don Dizon
illustrated by Gil Tamondong

Marumi Na
Written by Don Dizon
Illustrated by Leonardo Castro






Monday, April 15, 2019

Aurea Sanchez




 Aurea Sanchez
Komiks Writer

Isa sa naging bahagi at nakapag-ambag din ng kanyang mga sinulat na obra sa komiks. si Aurea Sanchez. Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, siya ang kapatid ng komiks illustrator na si Al Sanchez na naging aktibo rin sa padidibuho noong kanyang kapanahunan. May mga nabasa na akong mga kuwento ni Aurea Sanchez noon na mas kilala bilang “Auring” Sanchez particularly sa mga komiks ng GMS at NR Publication. Fortunately, isang obra niya ang nakita ko sa aking old files. Siya ang sumulat ng kuwentong “Patuloy Kitang Iibigin” na idinibuho ni Federico Javinal at nalathala sa Palos Komiks noong 1970. Isa sa mga komiks writer na naging acquaintance ni Aurea Sanchez noon at nakakasabayan sa pagpunta sa mga komiks publication si Jesusa Alberto.  Komixpage is remembering komiks writer Aurea Sanchez.


Patuloy Kitang Iibigin
Written by Aurea Sanchez
Illustrated by FC Javinal




Wednesday, April 10, 2019

Arnold Almonguera





Arnold Almonguera
Komiks Writer


Isa pang GASI komiks writer ang naging bahagi at nakapag-ambag ng kanyang mga obra noong dekada 90. Siya si Arnold Almonguera. Matagal ko nang nabasa ang kanyang message sa akin pero ngayon ko lang ito nabigyan ng atensiyon. According to him:  “By accident nabasa ko itong blog mo mula sa kasi-search ko ng tungkol sa mga pinoy komiks writer at websites. Doon ko nga nakita ang mga pangalan nina Roger Reyes and others. Alam mo naging contributor din ako, mostly sa massacre at iba pang mga horror at fantasy komiks sa GASI. Nang mawala sa publication ang massacre, nagsusulat pa ko 'non. Siguro mga 2 years din akong nag-tiyaga  bago sumuko at umuwi dito sa aming probinsiya sa bisaya.Hindi naman seguro ako talagang writer kundi hobbyist lang. Tunay na pangalan ko ang ginagamit ko na Arnold Almonguera . Sayang at ni isa sa kuwento ko ay wala akong nai-save. Wala man lang akong maipag-malaki sa mga kakilala ko kundi sabi lang na wala namang pruweba, dito kasi sa amin wala kang makitang nagtitinda ng komiks. Masakit pero totoo. cable tv at online games ang sikat na sikat dito sa amin sa Capiz, hindi komiks. Alam mo si Roger Reyes ang natandaan kong unang nakipagkaibigan sa akin noon sa GASI. Kilala niya ako bilang iyong maliit na tao na may pagka-mahiyain na umuuwi sa Pasig na isang dating manggagawa ng alahas.. Nagsulat ako sa komiks noong time na sikat ang kantang 'maginoo pero medyo bastos'. Hind ko lang matandaan ang exact year.

Maraming salamat sa message mo Arnold at pasensiya ka na kung ngayon ko lang ito nabigyan ng atensiyon, ganoon man, huli man daw at magaling naihahabol din. Komixpage is remembering komiks writer Arnold Almonguera

                                                           


(Courtesy of Randy Valiente)
Blood Statue
Written by Arnold Almonguera
Illustrated by Sonny Anthony