Monday, August 5, 2019

Virgilio G. Torres


Virgilio G. Torres
Komiks Illustrator

Isa pang Torres ang nakita kong nakapagdibuho sa komiks, siya si Virgilio G. Torres. I have no idea kung may relasyon siya sa veteran komiks illustrator na si Elpidio Torres.  Sa nakita ko hawig ang kanyang estilo sa mga obra ni Rico Rival at  ang naging kaibahan lang ay mas refined ang kay Virgilio at loose ang kay Mang Rico. Ilan sa mga nakita kong idinibuho niya ay ang kuwentong “Chess” na sinulat ni Vic J. Poblete, “Isang Pumpon ng Rosas” na sinulat ni Nerrisa Cabral at “Kailan pa Kita Mamahalin” ni Elena M. Patron.  Maraming naging ambag na larawang guhit si Virgilio Torres sa panahon ng kanyang pagiging aktibo sa industrya kaya karapat–dapat lang na bigyan din siya ng pagpapahalaga sa mga nai-contribute niyang mga obra. Komixpage is remembering former komiks illustrator Virgilio G.Torres.

Chess
Written by Vic Poblete
Illustrated by Virgilio G. Torres

Kailan Pa Kita Mamahalin
Written by Elena M. Patron
Illustrated by Virgilio G. Torres

Isang Pumpon ng Rosas
Written by Nerrisa Cabral
Illustrated by Virgilio G. Torres


No comments: