Oseas Magpayo
Komiks Illustrator
Isa pang Magpayo ang naging
aktibong dibuhista sa komiks noong dekada 60, siya si Oseas Magpayo. Noong una, napagkamalan ko na obra rin ng isa pang
Magpayo ang kanyang mga larawang guhit pero hindi pala. Gaya ni Joel Magpayo,
naging contributor din ng kanyang mga larawang guhit si Oseas Magpayo sa mga
komiks na pinamamatnugutan ni Mr. Cil Evangelista (Popular Klasiks, Vista
Komiks, Literary-Song-Movie Komiks) Isa sa mga naiguhit ni Oseas ang kuwentong
may kaugnayan sa paggunita sa pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang “Bukang Liwayway, Ika-7 ng Desyembre” na
sinulat ni Cil Evangelista at naging cover story ng Vista Komiks noong1962.
Idinibuho rin niya ang “Palaboy ng
Langit” na sinulat ni Ric Espiritu. Komixpage is remembering former komiks
illustrator Oseas Magpayo.
Literary Song-Movie Komiks
Cover illustration of Oseas Magpayo
Bukang Liwayway sa ika-7 ng Disyembre
Written by Cil Evangelista
Illustrated by Oseas Magpayo
Palaboy ng Langit
Written by Ric Espiritu
Illustrated by Oseas Magpayo




No comments:
Post a Comment