Friday, July 3, 2009

Rol Enriquez


Rol Enriquez

(Komiks Illustrator/Dekada 90)


Middle of 80’s ko unang nakita ang illustrations ni Rol Enriquez, sa pahina ng mga Atlas pocket komiks. Isa siya sa pinaka-abalang artist dito noon. Nang maglaho ang mga pocket komiks ng Atlas at tumawid ako ng GASI before 90’s nakakakita na rin ako ng mga obra dito ni Rol. Since then, naging aktibo na si Rol sa kanyang illustration career sa mga komiks ng GASI particularly sa Space Horror Komiks at Pantasya Komiks. He is also very productive artist at mabilis magtrabaho. Mga nobela at short stories ang kanyang iginuguhit pero paminsan-minsan ay nakikitaan ko rin siya ng kanyang mga cover illustrations. Sa Dragnet Komiks na inilabas noong year 2000 ay isa rin si Rol Enriquez sa mga illustrator na madalas makapagdibuho ng aking mga sinusulat na legal stories. Malaki rin ang naging improvement ng kanyang mga obra compare to that in the 80’s. Isa rin si Rol sa nakadama ng epekto nang magsimulang mangamatay paisa-isa ang mga komiks title ng mga giant publication noong 2000. Nang ilabas ang Abante komiks ng Anerto Publication, nakita kong marami ring ginawa dito si Rol pero hindi rin nagtagal sa circulation ang Abante komiks at tumiklop din agad. Ito ay sa kabila ng timing at bongga nitong pag-entra sa industriya dahil halos ang Atlas na lang ang kanilang kakumpitensiya noon.


Narito ang ilan sa mga ginawang cover
illustration ni Rol Enriquez


Sa mga pocket komiks ng Atlas at Mass Media
Promotions ko unang nakita ang mga obra ni
Rol Enriqueznoong middle of 80's at isa na
sa ginagawan niya ang Samurai Pocket
Komiks na ito.


Rol Enriquez cover illustration
for Halimaw Komiks


Rol's cover illustration for Pantasya
Komiks


Another cover illustration of Rol para
naman sa Super Fantasy Komiks


Sa Dragnet Komiks na ito ko siya madalas
na nakaka-tandem aside from
Lan medina


Sa Abante Komiks na published ng Anerto
Publication ko huling nakita ang mga
obra ni Rol sa Komiks


Isa ito sa sinulat kong istorya na naka-tandem
ko si Rol Enriquez

Reference: Komixpage File


0 comments: