Siopawman
by Larry Alcala
Kung pinoy cartoons superhero ang pag-uusapan, meron din tayong ganitong mga karakter na lumabas sa komiks. Siyempre, nangunguna na si “Siopawman” ni Larry Alcala na kanyang unang cartoon strip at nalathala sa unang Filipino comic book na Halakhak Komiks noong 1947. Ang sumunod dito ay si “Super Kidlat” ni Bert Sarile. Maraming readers na inaliw ang superhero niyang ito na kung lumipad ay ga-dangkal lang ang taas mula sa lupa. Another one is “Supernone” ni Art Columna na lumalabas naman sa Pilipino Superheroes pocketkomiks, ng Adventures illustrated Magazine. Pawang kapalpakan ang kanyang mga misadventures dito. Si “Kapten Balentong” naman ay sinulat ni Almel De Guzman at iginuhit ni Arman Cruz para sa Komedi Komiks ng GASI. Ang pinaka latest sa listahan ko ay si “Kapitan Tog” ang superhero ni Freely Abrigo na laging nauuntog at nalathala naman sa mga pahina ng nagbalik na Pilipino Funny Komiks ng Infinito Publication. Ang naidudulot ng mga Pinoy Cartoon Superheroes na ito sa ating pagbabasa ay totoo namang nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan. Nakalulunas pa sa stress na inyong nararamdaman. Sometimes, we need a lot of superheroes like them sa panahong ito na gusto nating takasan ang realidad at mga nagiging kaganapan sa ating kapaligiran kahit pansamantala lamang.






2 comments:
Totoong minsa ay inaliw rin tayo ng mga cartoon character sa komiks...naaaliw akong sumubaybay sa blog mo. By the way thnx sa komento mo about sa pag feature kong mga radio drama talent.
Keep it up bro dahil interesado rin ako sa mga taong ang tinig lang nila ang naririnig ko sa radio. Salamat rin sa blog mo dahil may tsansa na akong makita at malaman kung sino ang mga tinig na nasa likod ng mga karakter sa mexican at korean teleserye sa TV. It is also your chance to give them credit and exposure dahil kasama at kabilang ka na rin sa daigdig na ginagalawan nila as a radio-drama scriptwriter. Mabuhay ka bro!
Post a Comment