Nagsimula ring serious komiks illustrator si Bert Sarile at marami siyang larawang guhit na nai-ambag noon. Nagdibuho rin siya ng mga nobela kung saan naka-tandem niya ang nobelistang si Marcelo B. Isidro. Ilan sa nobelang ito ay ang "Brogo" na ginawa niya sa Horror Komiks at ang "Bagong Paraiso", sa komiks ding iyon. Sa nakita kong mga dibuho niya, ka-estilo niya ang isa pang veteran komiks artist na si Ruben Yandoc. Ganoon man, Bert Sarile had his own space in Philippine comics cartooning. Dito siya higit na nakilala at sumikat sa mga nilikha niyang cartoon character na ang karamihan ay naisalin sa pelikula. isa sa dahilan ang mga cartoons ni Bert Sarile kaya ko binibili at binabasa ang mga komiks na kinaroroonan ng kanyang mga cartoons character.
Among Bert Sarile’s popular cartoons character na nakipagsabayan sa popularidad ng mga cartoons character ni Larry Alcala ay ang “Barok” “Tartan” “Ping at Pong” na pawang naisapelikula. Ang iba pa sa kanyang mga nilikha ay ang “Boogie”, Dr. Spongklong” “Bruna Da Bruha” at ang paborito kong cartoon superhero na ginawa niya, ang “Super Kidlat” na kung lumipad ay halos ga-dangkal lang ang taas.
Ang ilan sa mga dibuho ni Bert Sarile sa
Komiks
Komiks

Bert's Serious illustration teaming up
with writer/novelist Marcelo
B. Isidro
"Brogo"
Written by Marcelo B. Isidro
One of the popular cartoon character
created by Bert
created by Bert

"Epektib Daw"
Ang comedy story na sinulat ko sa Ayos Pocket Komiks
ka-tandem si Bert Sarile

Nang maglathala ang Pacyno Publishing
noong 1995-97 ng mga joke book ilan sa mga aklat na inilimbag
nila ay ang Barok, Dr. Spongklong at Max en Jess
Komixpage Filesnoong 1995-97 ng mga joke book ilan sa mga aklat na inilimbag
nila ay ang Barok, Dr. Spongklong at Max en Jess



No comments:
Post a Comment