Sunday, November 23, 2008

Komikon Event 2008

(Courtesy of Ron's Keyboard)

Jeffrey, Mars, Ronald and Me
(Ron off-scene is the cameraman)

This was the first Komikon I attended. Nagkita-kita kami nina Ron Mendoza, Ronald Tabuzo at Mars Alvir na lumuwas pa ng Maynila galing ng Tarlac sa Precious page. Then at 3:30 PM we went at UP Bahay Alumni kung saan ginaganap ang Komikon. Pagdating doon, kababa pa lang namin ng sasakyan, nakita ko na agad si Alex Areta na agad kong binati. I’m happy to see Alex again after several years mula noong huli kaming magkita sa Atlas Publication. Ipinakita niya sa akin ang nabili niyang “Dark Pages” at Indie komiks na gawa ni KC Cordero.

Sa labas habang paakyat kami ng hagdan, nakita ko si Randy Valiente na binati agad kami. Naka-istambay lamang siya doon habang may mga kausap siya. Pagpasok ay bumili kami ng ticket for entrance, napakaraming tao sa sa loob. Masaya. Hinahanap namin ang stall ni KC Cordero kung saan alam naming naki-share ng puwesto si Jefffrey Marcelino Ong para itinda ang Dark Pages. Una kong napagtuunan ng pansin ang puwesto ng mga obra ni Alfredo Alcala. Natanaw ko rin ang stall ni Gerry Alanguilan.

Nang makita namin ang puwesto ni KC, naroon nga si Jeff katabi si Novo. Agad akong naghanap ng kopya ng Indie komiks ni KC pero “sold out” na raw lahat at hindi na ako nakabili. KC recognized Ron Mendoza pero hindi niya ako nakilala. Mukhang narecognized lang niya ako ng makipagkamay ako kay Ka Novo Malgapo , Nakasalamin daw kasi ako sabi ni KC.

Napahiwalay na ako kina Ron, Ronald at Mars ng magsimula akong mag-ikot para tingnan ang napakaraming ibinebentang Indie Komiks ng mga creators nito. Una kong binili ang “Sandata” at “Bato (Agimat Warrior)” ni Ner Pedrina na katabi mismo nina KC. Then nadako ako sa stall nina Danny Acuna na abala sa pagdo-drawing.

Nakasalubong ko si Jun De Felipe na agad kong binati. Then si, Alvin Goya na napagkamalan kong si Rey Mandani dahil tila nabawasan na ang buhok sa ulo. Kasama niya si Edwin Chavez at ang writer na si Ravenson Biazon. Lahat sila ay naka-team ko na sa GASI komiks noon at ang saya ng feeling ko ng muli kaming magkita at magkabalitaan. Nang makita ko uli sina Ron, nagawi kami sa stall ni Lan Medina. Si Meng Favian agad ang nakita ko na agad namang bumati sa amin. Naroon din si Beth Lucion Rivera na dating GASI Editor. Inalok niya kami ng Indie komiks nila na “Twilight (The Fairy Princess) Komiks” It’s a one hundred pesos Indie komiks na published ng Twilight Publishing House kung saan si Beth Lucion Rivera ang editor/scriptwriter, si Lan Medina ang illustrator at si Rommel Favian ang colorist and layout artist. Napakaganda at napakataas ng quality ng komiks nila dahil bukod sa all colored, coated din ang papel nito cover and inside at 42 pages. Pinalagyan ko ng sign kay Lan Medina ang nabili kong Indie komiks nila.

Gumawi ako sa stall ni Gerry Alanguilan. Nakabili ako ng tatlong “Elmer” comic book niya kaya lang wala nang available na first issue nito kaya ang 2,3 at 4 na lang ang kinuha ko. Sabi ng dalawang babae sa stall niya ay i-download ko na lang daw ang number 1. Wala doon si Gerry para sana palagdaan ko sa kanya ang binili ko kaya naisip kong bumalik na lang para ituloy ko ang aking pag-iikot. Nasalubong ko naman sina Ariel Padilla at Lui Antonio na binati ko. Gaya ng dati, tila sanggang dikit ang dalawang ito dahil laging magkasama gaya ng GASI days kung saan pinanonood ko silang gumagawa ng illustrations sa GASI compound. Tumuloy ako sa stall na nagbebebta ng mga imported comics. Ang mura ng benta nila. 20 pesos lang at meron pa ngang 10 pesos only.

Nasalubong ko naman ang grupo ng mga old timer na illustrator na na-recognized ako ng batiin ko sila. Sina Al Cabral, Ding Abubot at Nar Castro. Mayroon pang iba na nakita ko pero hindi ko na maalala kung ano ang pangalan nila although pamilyar sa akin ang mga mukha nila.

Nang makita ko si Randy Valiente, tinanong ko siya kung may libro pa siya. Iisa na lang daw so, binili ko na ito sa kanya sa discounted price. Naunahan ko si Ron Mendoza na hindi na nakabili dahil iisang kopya na nga lang ang natitira. Nang masulyapan ko si Gerry na nasa stall na niya, nilapitan ko siya para palagyan ng autograph ang binili kong Elmer comic book niya. Nilagdaan naman niya ito pero ini-request ko na isulat niya ang pangalan ko.

Nadako naman ako sa stall ng “Samahang Kartunista ng Pilipinas”. Nang malaman ko na naroon ang ilang kilalang cartoonist, agad akong bumili ng kanilang Roster Book. Nakausap ko si Freely Abrigo. Kinumusta ko sa kanya ang Funny komiks. Tinanong niya ako kung ano ako. Nang malaman niyang komiks writer ako dati, nagpakilala siyang anak ni Dommy Abrigo na former komiks writer din. I remember his father although ahead sa akin iyon ng pumalaot sa komiks. Pinalagdaan ko sa kanya ang nabili kong Roster book nila. Sabi ko ay palalagdain ko rin doon ang mga iba pang cartoonist na naroon kaya pinaiwan na lang sa akin sandali ang libro para malagdaan nila.

Nag-ikot uli ako at lumipat sa mga stall kung saan may nagbebenta ng mga imported graphic books. Naghahanap kasi ako ng gaya ng nakita ko kay Meng Favian na makapal na Jonah Hex graphic book. May nakita naman ako at colored pa ito. Ayon sa lalaking nagbebenta, reserved na raw iyon pero iniwan muna at babalikan. Sinabi niya sa akin na bago raw ako umuwi, daanan ko na lang daw iyon at kapag hindi na kinuha ng nagpa-reserved, sa akin na niya ito ipagbibili.

So tuloy ang ikot ko. Isang Indie komiks creator ang nilapitan ko na nagbebeta ng kanilang gawa. Tinanong ko siya kung saan ko mabibili ang karugtong ng mga komiks na ginawa nila. Nagulat ako ng sabihin niya na available daw sa bangketa ang Indie komiks nila at may mga puwesto siyang binanggit sa akin kung saan iyon magiging available. Ikinatuwa ko ang aking narinig. May mga Indie creator na palang nangangahas na ilantad at talagang ipagbili sa masa ang kanilang mga obra at hindi pang Komikon lang. Nasabi ko tuloy sa kanya na “ganyan nga, buhayin ninyo ang komiks.”

Nang balikan ko ang Jonah Hex na ipina-reserved sa stall ng graphic novel na pinuntahan ko, nalungkot ako dahil kinuha na raw iyon ng nagpa-reserved. Labis tuloy akong nanghinayang dahil nagandahan ako sa nilalaman noon.
At around 5:30 ng magkayayaan ang grupo namin na lumabas na. Nakita naming muli si Randy Valiente na nakaupo sa hagdan at may kausap na chicks. Muli namin siyang binati at kumaway naman siya. Alam kasi niya kung saan tutuloy ang grupo.

Nauna na ako kina Ron, Ronald at Jeffrey para diretso ng umuwi. Niyayaya sana nila ako sa hang-out ni Jeff para makapag-hapi-hapi pero naiintindihan naman nila ako.  So, doon na kami nagkahiwa-hiwalay.

Matapos akong makapunta sa unang Komikon na iyon na pang-apat na taon nang ginaganap, kung papalarin, baka next year, makabalik kaming muli.
Salamat nga pala kay Meng Favian na ibinigay na lang sa akin ang isang kopya ng Indie komiks na gawa ni KC Kordero na may titulong “I have a Dream” ng malaman niyang wala na akong nabili nito dahil “sold out” na lahat (dalawa kasi ang kopya niya nito).

5 comments:

kc cordero said...

Arman,
Pasenya na kung hindi agad kita nakilala. First time nating nag-meet noong Sabado, hindi pa kita na-recognized. Actually kahit si Jeff noon ko lang nakita, si Ronald naman ay humaba ang buhok at medyo lumaki ang bahay-beer. Si Ron kasi ay consistent, hehe.
Pasensya na rin kung naubusan kayo ng kopya. Nagkamali ako, konti lang ang ipinagawa ko. Sa dami pa nang naghanap baka hanggang 200 copies kayang ibenta.
Next year sama-sama na tayo.

arman said...

Ok lang, sayang nakapag-pa-reserve sana ako ng kopya ng Indie komiks mo.Anyway next year na lang uli, siguro mas preparado na ako.

Anonymous said...

Nakita mo ba si Tony de Zuniga ? si Mang Jess Jodloman ? Kiko Redondo? Alfredo Alcala jr. ?

Sana next year maka punta din ako, mas malapit ang Naga City sa Maynila kesa Iloilo City....

Auggie

alex areta said...

arman,
text me your number please. mine is 09185232337. maganda na 'yung may kontak sa isa't isa.

arman said...

Auggie,

Nasalubong ko noon si Tony De Zuniga pero di ko napansin si Kiko Redondo sa dami ng tao. Si Alfredo Alcala Jr. ay nakita ko sa kanilang puwesto. Next year sana makapunta ka rin dahil gusto kitang makilala ng personal.

Alex,

Text na lang kita para magka-kontakan tayo at magkabalitaan naman paminsan-minsan.