Monday, August 11, 2008

Marcial Buanno

Marcial Buanno
Komiks Writer-Novelist


Naging komiks writer sa mga komiks ng GASI si Marcial Buanno. Siya ang sumulat ng mga nobelang “Guido Mortal“Arkong Bato” na nalathala sa Pinoy Komiks noong 1969 at 1970 at “Padre Valiente” sa Aliwan Komiks noong 1971. Sa tala na nakita ko sa Komiklopedia ang ilan pa sa mga nalathala niyang obra ay ang “Ang Tigre at ang Diyablo” na lumabas sa Pioneer Komiks noong 1970, “Sa Diyos Kami Susuko” sa Pinoy Klasiks noong 1972, “Hiawatha” sa Pinoy Komiks noong 1974 at “Alakdang Bato” sa Pinoy Komiks. Isa sa pinakahuling sinulat ni marcial Buanno ay ang kuwentong "Parolado" na nalathala sa CJC-Sterling Komiks noong late 2007.



"Parolado"
Marcial Buanno's latest story and published
in one of CJC-Sterling komiks


"Padre Valiente"
Isa sa maaksiyong nobela na sinulat ni Marcial Buanno
sa mga pahina ng Pinoy Komiks ng GASI
at iginuhit ni Federico Javinal


Reference:
Komixpage Files



No comments: