
LITO JAVA TANSECO
(Komiks Writer)
Lito Java Tanseco is also a writer of the 90’s. Naging aktibo siya sa pagsusulat ng mga short stories noon sa GASI. He is a very versatile writer . Kung ang iba ay type cast lang sa mga horror o love story, si Lito ay maituturing na all around writer. Just name what kind of stories you want and he will write it for you. Horror, fantasy, love story, drama, action and comedy.
Noong panahong iyon, all contributors had their own buddies na tinatawag. Kanya-kanyang grupo o tropa. Dito na nga nauso ang grupo ng mga writer na tinatawag nilang “Bulabog Boys”. Hindi ko na nga lang ma-recall kung sino-sino ang mga ito pero ang alam ko ay sa Sonic sila concentrated bagamat naliligaw din sa GASI ang iba paminsan-minsan.
While Ron Mendoza and me were talking buddies, Lito Tanseco had also a group of friends. Among them were Galo Ador Jr, F.V. “Boy”. Baligod and later on, si Ronald Tabuzo na nga ang lagi niyang nakakasama. Bukod dito, as Jeffrey Marcelino Ong wrote in his Blog, naging kaibigan din pala siya ni Lito Tanseco at nagkasama sa Scriptwriting workshop na binuo ng namayapang movie reporter na si Giovanni Calvo. Naging mentor din daw nila doon si Vincent Kua Jr. Dahilan dito marami siyang alaala sa pagiging magkaibigan nila ni Lito. It is only when we are contributing together in Space Horror and Pantasya Komiks na nagkakaroon ako ng tsansang makausap at maging acquaintance si Lito.
Lito Tanseco had good sense of humor. Makuwento siya at masayahing tao. Naikuwento nga niya sa akin noon during our brainstorming, together with the backdoor boys na siya sana ang unang magkakaroon ng pagkakataon na maka-penetrate sa TV scriptwriting dahil nga kay Galo Ador , but he back out for some reason.
As a horror writer, he proved to be very creative. Very consistent siya sa pagsusulat ng mga fresh and new ideas at siya rin ang kinabasahan ko na nag-introduced ng mga iba’t ibang karakter sa mga horror stories na sinusulat niya. Sa mga hindi nakaaalam, si Lito ay isa ring cartoonist at may ilan siyang ginawang horror-comedy cartoons na naitabi ko.
Nang mauso ang mga tapusang nobela, marami rin siyang sinulat na ganito ang tipo. Pero hindi nagtagal, iniwan niya pansamantala ang pagsusulat dahil nag-iba siya ng trabaho. Nabalitaan ko na lang na pumasok pala siyang seaman. Hindi ko natatandaan kung anong taon siya nag-fade-away sa komiks pero marami pa noong naglalabasang titulo ng komiks ang mga higanteng publication ng umalis siya.
Nang muli kaming magkita ni Lito ay noong binubuo na ang concept ng Dark Pages Komiks. Ilang buwan na rin yata siyang nakababa ng barko at muli ngang nagkaroon ng kontak sa kanya ang grupo. Sumama siya sa amin sa pakikipag-brainstorming para mabuo ito. Pabagsak na noon ang komiks at isa-isa ng nangangamatay. Bago pa na-published ang Dark Pages, nagbalik nang muli si Lito sa barko at wala na akong nabalitaan sa kanya. Ganap na rin siyang tumigil sa kanyang pagsusulat mula noon sa komiks man o sa prosa.
Si Lito ang tao na masasabing makaluma in terms of using modern technology. As far as I knew, kahit kaya na niyang bumili ng computer at ito ang gamitin niya sa pagsusulat ng kuwento noon, napansin ko na he still preferred to use his old typewriter na medyo tumatalbog-talbog pa ang letra. According to Ron, ayaw din daw yatang gumamit ng cellphone ni Lito o ayaw nitong pag-aralang gumamit nito. Anyway that is his choice, ganoon pa man, inside Lito’s mind were fresh ideas at nakapanghihinayang ang kanyang talento dahil natigil na siya sa pagsusulat, komiks man o prosa.
Komixpage gave credit to Lito’s contribution in komiks industry during it’s last hurrah at hindi maitatanggi na marami din siyang naaliw, na-in-love, napatawa at natakot na mga readers sa mga iba’t ibang kuwento na sinulat noon at kanilang nabasa.
Isa sa mga obra ni Lito Java Tanseco ay makikita at mababasa ninyo sa "Sentimiyento Blogsite"
ni Jeffrey Marcelino Ong.
0 comments:
Post a Comment