Monday, January 7, 2008

Writers (E)

Dick Garbo and the Bloody Twins
A novel written by Lito Eringco
Illustrated by Edison Capili
Crossline
Written by Alexis Jose Espino
Illustrated by Mario C. Hernandez
Nek-Nek
A novel written by Husto Ester
Illustrated by Bes Pascual
 

Writers (M)


Sa Bingit ng Hukay
Written by Pedro Magbujos
Illustrated by Dodge C. Sanchez
 Mister Announcer
A novel co-written by Bing Makapugay
Illustrated by Deo Grepo
 Bampira
Written by Mon Malgapo
Illustrated by Lito Pante
 Bakal sa Bakal
Writte by Arsenio Manalac
Illustrated bt Floro Dery
 Sneaky Sam, Pinoy
A novel written by Carlitos L. Mangahas
Illustrated by June Lofamia
 Historia De Un Amor
Written by Wilfredo Marcos
Illustrated by Ruben Yandoc
 Guhong Simbahan
Written by Lea A. Marticio
Illustrated by Rey Arcilla
 No Greater Love Than This
Written by Nick B. Melgar
Illustrated by Mar Santana
 Bakit Mailap ang Pagbabago?
Written by Neal Adams Mongcal
Illustrated by Lui Antonio
 Miss Barbecue
A novel written by Tony Morales
Illustrated by Vic Crisostomo
 Sa Daigdig ng Kababalaghan
Written by Ricardo Moravia
 (Rico Bello Omagap's pen name)
Illustrated by Tony De Zuniga
 

Writers (L)

Paraiso
Written by Ricardo Landicho
Illustrated by Don Santos
Hanggang Ako ang Batas
A novel written by Romy Lapuz
Illustrated by Tec J. Manalac
 Sining ng Buhay
Written by Marcial Val Lizardo
Illustrated by AS
Ang Tuko sa Lumang Balite
Written by Conrado Lopez
Illustrated by Ric Hernandez
 Krus na Daan
A novel written by Van Ludor
Illustrated by F. Escover

Thursday, January 3, 2008

Henry S. Cruz


Henry S. Cruz
Komiks Writer


Isa sa mga short story na sinulat ni Henry Cruz
para sa Pilipino Superheroes
Pocket Komiks


Isa sa nagustuhan ko ang mga obrang sinusulat nang magsulputan ang mga pocket komiks ay si Henry Cruz. Hindi ko pa siya na meet ng personal bagamat isang nangangasera sa bahay ng aking ina noon sa Caloocan ang nakapagsabi na kilala niya ito at kababayan sa Gapan Nueva Ecija. Marami siyang impormasyon na sinabi sa akin tungkol kay Henry.
Nababasahan ko pa noon ng kanyang kuwento sa pocket komiks si Henry Cruz nang mabalitaan ko mismo sa nangangasera sa bahay ng nanay ko na napaslang na pala si Henry. Labis akong nanghinayang sa kanyang talento sa pagsusulat dahil kapag binabasa ko ang kanyang mga kuwento, masasalamin mo talagang barako ang dating ng kanyang mga istorya. Katunayan, parang hinahango nga sa sarili niyang buhay, karanasan at pagkatao ang mga naglalabasan niyang kuwento.

Ilang buwan ang nakalipas, nabasa ko noon sa entertainment news na isasapelikula na pala ang buhay ni Henry Cruz kung saan si Ramon “Bong” Revilla ang gaganap sa pangunahing papel. Ang titulo ng pelikula ay “Alyas Boy Pogi

May ilan rin akong nakitang kuwento ni Henry Cruz na pawang naglabasan sa Pilipino Superheroes Pocket Komiks gaya ng mga sumusunod: Vigilante, Bigo Pa Rin Ako, Robbery, Si Akong Barako, Sintibay ng Puno, Silang mga Hudas, Minsan May Isang Matapang, Santumpok na Lupa, Si Hepe, at Titis.

Writers (K)


Ang Pagsubok
Written by Michael Kanoy
Illustrated by Lui Antonio







Friday, December 28, 2007

Abe Ocampo


Abe Ocampo
Komiks Illustration



-->
Isa ang mga obra ni Abe o Abraham Ocampo sa mga nakikita ko na lumalabas sa mga komiks ng GMS Publication noon particularly sa Wakasan Komiks, illustrating love stories. However, Abe Ocampo started in his illustration career noong 1957. Ang initial break niya bilang isang dibuhista ay nang bigyan siya ng editor noon ng Extra Komiks na si R.R. Marcelino under Philippine Book Co. ng short story na iguguhit. Ito ang naging simula upang mapagkatiwalaan rin siyang makapagdibuho ng mga nobela. Ilan sa mga ito ay ang “Dragona” ni Mars Ravelo at “Ama Namin” na si R.R. Marcelino din ang sumulat at nalathala sa Extra Komiks. Nakaguhit din siya ng nobela sa Educational Klasiks na sinulat ni Eddie Vera. Ito ay ang “Sa Ating Daigdig”

Noong 1960, lumipat si Abe sa Ace Publication at nakomisyong gumuhit ng nobela ng isa sa sikat na nobelista nang panahong iyon. Naka-tandem niya si Pablo S. Gomez sa “Anak ng Asuwang” kung saan halos kasabayan nito ang isa pang nobela na idinidibuho niya na sunulat naman ni Mars Ravelo, ang “Ito ba ang Aking Ina?”.He also illustrated Virgo Villa’sBotong” for Universal Komiks noong 1967. Marami pang obrang sumunod dito na ginawa si Abe Ocampo para sa PSG Publication at GASI. Dito ay naging forte niya ang drama. Ilan sa mga nobelang naidibuho niya sa GASI ay ang “Inang Putik”, “Makunat pa sa Inuyat” at “Araw-araw Kitang Mahal”

Noong dekada 70, Abe Ocampo joined Affiliated Publication. Una niya ditong naka-tandem si Carlo J. Caparas sa nobela nitong “Citadel”. Nasundan pa ito na pawang naging blockbuster, gaya ng “Angela Merkado” at “Babaing Hinugot sa Aking Tadyang”. Noong 1971, nagkaroon din ng chance si Abe sa DC Comics at napili siyang isa sa sampung illustrator na nakapagtrabaho dito. Sa dami ng ginawang mga obra ni Abe Ocampo ay halos hindi na niya matandaan ang bilang ng mga ito, pero his most challenging works ayon sa kanya ay ang mga iginuguhit niyang mga nobela nina Mars ravelo at Carlo J. Caparas.

Sa ngayon, patuloy pa ring aktibo sa kanyang pagdidibuho si Abe Ocampo, kung saan makikita pa rin ang kanyang mga obra sa Liwayway Magazine

Ilan sa mga larawang guhit ni Abe 
Ocampo sa komiks

"Botong"
Written by Virgo Villa 

"Tiger Lily"
Written by Rico Bello Omagap

"Spaceman"
Written by Clerbie Andrade

"Got to Get you Into My Life"
Written by Nelly Rieza
" Fire Dance" 
One of Abe Ocampo's illustration in
comics aborad 
 

Reference:
A History of Komiks of the Phil. & Other Countries
Komiklopedia
Komixpage



Thursday, December 27, 2007

Almel N. De Guzman


Almel De Guzman
Komiks Writer/Novelist


Unang nagkaroon ng break sa komiks si Almel noong 1983 nang matanggap ang isa niyang short story na lumabas sa Lovelife Komiks at idinibuho ni Pol Torres na yumao na. Halos nakasabayan niya noon sina Delfin Batongbakal at Nicky Astronomo. Si Almel De Guzman ay nag-aral ng Komersiyo at nasa ikatlong taon na siya nito nang mahinto sa pag-aaral dahil agad siyang nakapag-asawa. Nang mabigyan ng tsansa si Almel magnobela sa komiks, nagkasunod-sunod na ito at napakarami niyang mga naglabasang nobela noon sa komiks ng GASI. Ilan lang sa mga ito ay ang Bertong Puruntong, Hiroshima Kid, Karlo Mirakulo, Kahapon at Bukas at marami pang iba. (See some list of his published works in Komiklopedia).


Noong dekada 90, isa si Almel sa pinaka-abalang nobelista sa GASI. Nagsulat din siya ng mga full length novel nang mauso ito. Nang manamlay ang industriya noong late 90’s, gaya ng ibang komiks writer, sinubukan din niyang magsulat ng nga prosang nobela sa iba’t ibang romance pocket book publisher. Siya ang Arlene De Guzman sa mga sinusulat niyang mga romance novel. Huli kaming nagkita sa bakuran ng Kislap Publishing noong 2002 kung saan nasabi niya sa akin na nagsisimula na siyang mag-business na may kinalaman sa lechon.




"Mogadimbo"
Isa sa mga sinulat na nobela ni Almel De Guzman
sa Kilabot Komiks


"Sarimanoy", ang nobela namang sinulat
niya sa Pinoy Komiks

Reference: Komixpage File


Monday, December 24, 2007

Jojie Casiao


Jojie Casiao

Komiks Illustrator


Una kong nakita ang obra ni Jojie Casiao doing portrait cover para sa Universal Komiks ng Affiliated Publications noong 1983 pa pero isa rin siya sa mga naging aktibong illustrator ng dekada 90. Narito ang ilang tala tungkol kay Jojie at hinango ko sa isang article na lumabas sa Nightmare komiks na may titulong “Artists' Nightmares” na sinulat ni Mr. Ross Matienzo.


Isang tunay na alagad ng sining si Jojie Casiao, ‘yung kung tawagin ay “serious artist” Bakit ko nasabi ito? Dahil itong si Jojie Casiao ay isang honest-to-goodness portrait artist. Dahil isang bihasang painter, ang kanyang mga obra ay naitanghal na sa mga gallery.


“Ako ay sanay magpinta ng landscapes, seascapes, at nudes,” kanyang paliwanag. Ito marahil ang dahilan, kung bakit siya’y madaling natanggap bilang cover artist ng mga publications na merong mga komiks na nangangailangan ng portraits sa kanilang mga cover.


Hindi lang sa cover ng komiks nakikita ang kanyang obra, kundi pati na sa mga advertising sa sine, dahil sa noong 1985-87, naging abala rin siya sa tinatawag na cinema advertising. Pero, sa kasalukuyan, ang seryosong pagpipinta, pati na ang paggawa ng portraits sa cover ng komiks at advertising ng mga pelikula ay kinalimutan na muna ni Jojie. Bakit? Dahil meron siyang bagong pinagkakaabalahan ngayon: ang pagdidibuho sa komiks.


Opo, ang momentum decision ni Jojie na maging full-time illustrator ay nangyari noong 1987- nang ipasiya niyang higit siyang magiging maligaya sa pagguhit sa komiks. “Pero, tulad ng aking sinabi, ito’y totoo, sa ngayon. Dahil natitiyak kong babalikan ko rin ang pagpipinta pagdating ng araw…”


Ang tipo ni Jojie na iguhit ay action, drama at horror. “Nasa ganyang mga uri ng pagdidibuho ang challenge,” kanyang paliwanag. Ang kanyang ambisyon ay ang makilala siya bilang isang mahusay na dibuhista at sa tingin ko, ito’y madaling magagawa ni Jojie dahil ang kanyang estilo ng pagguhit ay ‘yung tipong sa malaot-madali ay kalulugdan ng mga mambabasa dahil sa originality and beauty.”


Si Jojie ay nakasama rin namin noong nangangamatay na ang komiks at gumagawa rin siya sa Kislap Publishing, pero dahil sanay at may experience na siya sa pag-aabroad, nangibang bansa na lang siya para dito ganap na makipagsapalaran.


Narito ang ilang cover illustration ni Jojie
sa Dragnet Komiks kung saan ko siya
nakaka-tandem


Cover dito ang legal story na sinulat ko na may
titulong "Pangarap ng Isang Musmos"
at si Jojie rin ang gumuhit ng pabalat
sa Dragnet Komiks


Isa pang cover story ko sa Dragnet Komiks na
may titulong "Katumbas ng Buhay" at
pinagtambalan din namin ni Jojie


Muli kong naka-tandem sa legal story kong
ito na may titulong "Abortion"
sa Dragnet Komiks si Jojie


Isa sa mga horror story ko na pinagtambalan
muli namin ni Jojie sa Holiday Komiks ng
GASI


Ang pinakahuling pinagtambalan namin ni Jojie
para sa komiks ng Kislap Publication at
dito ay alam kong balak na niyang
mag-abroad para doon na
magtrabaho

Reference: Komixpage File



Saturday, December 22, 2007

Larry Tuazon

Larry Tuazon
Komiks Writer

Bago pumalaot sa pagsusulat sa komiks, walong taong nagsulat sa stage play si Larry Tuazon. With the guidance of Tony Velasquez, General Manager and Editor in Chief ng GASI, he wrote his first komiks story in 1963. Sa maikling panahon, isa sa naging successful at prolific writer si Larry sa industriya. Mula 1965 hanggang 1970, naging perennial winner siya sa monthly short story contest na iniisponsor mismo ng naturang publication. Bagamat mas forte ni Larry ang pagsusulat ng short stories, sa novelette writing contest naman siya tumanggap ng first prize winner plaque na sponsored naman ng Kapisanan ng mga Publisista at mga Patnugot ng mga Komiks Magasin sa Pilipino (KPPKP) at ng Communication Foundation for Asia (CFA) noong 1977. Ang kanyang obrang “Haliging Kawayan” ang nanguna sa iba pang kalahok na novelette kung saan inilathala ito sa Modern Romances and True Confessions Magazine. Ang obra niya ang “Parusa ng Budhi” ang nagbigay sa kanya ng karangalang Best Writer Award at isa sa naging nominado sa CCMM noong 1971. Sa panahon ng kanyang pagsusulat, halos ilang libong kuwento na ang mga nalathala at ang bulk nito ay ginawa niya sa mga komiks ng GASI.


Isa sa maipagmamalaki ni Larry Tuazon ay ang pagkakasama ng kanyang sinulat na short story na “Nakikita ko ang Bukas” sa Panitikan ng Lahi 3, a prescribed textbook on Pilipino para sa third year high school. Bilang rekognisyon din sa kanyang naging achievement sa komiks, nai- feature si Larry sa TV program na “Good Morning Manila noong 1982. Because of his stature as a short story writer, he was named to the Board of Directors of the SANDIWA, isang organisasyon ito ng mga komiks scriptwriters na itinatag noong 1984.



"Ang Bangkay ni Senyor Hugo"

Isa sa iilang nobela na sinulat ni Larry Tuazon
sa komiks ka-tandem si Rod Santiago


Komixpage Files
A History of Komiks of the Phil. & Other Countries

Monday, December 17, 2007

Noly Panaligan

Noly Panaligan
Komiks Illustrator/Writer

Noly Panaligan is just 16 years old when he met Francisco V. Coching. He become his pupil pero natigil ito nang magkaroon ng Japanese occupation sa Pilipinas. They continue this mentor-pupil after the war. Si Coching ang nagbigay ng break kay Noly Panaligan bilang isang cartoonist sa Halakhak Komiks.

Nag-aral ng Fine Arts si Noly sa UP pero he gave it up in favor of practical experience. Naging apprentice artist siya sa Advertising Associates at naging staff artist ng Boy Scout of the Phil. National Council. Naging kaibigan din niya si Alfredo Alcala and together with the Redond’s naging aktibo silang komiks artist. Ilan sa mga obrang iginuhit ni Noly Panaligan ay ang, “Golem” sa Extra Komiks (1951), “Payaso” (1953), “Lasong Walang Kamandag” (1954), “Latigo” (1963), “Pitong Krus ng Isang Ina” (1967) at marami pang iba.

Makalipas ang ilang taon sa Ace Publication, sa imbitasyon ni Mauro Malang, Noly joined the Chronicle Publication as part editorial and part advertising artist. After that stint lumipat siya sa Admakers Organization kung saan nagwagi siya ng Art Directors Club Award para sa ad illustration. He did also some title and scenic illustrations for two docu-films with Lamberto Abellana. In the early 60’s he rejoined Admakers as an Art Director. Nagkaroon din ng chance na makapagdibuho si Noly sa DC and Warren Publication sa pamamagitan nina Tony De Zuniga and Nestor Redondo. Ginawa rin niya para sa Pilipino Funny Komiks ang “Fantasyang Pinoy” (1978) na nagagawa niyang isingit habang nasa advertising job. Si Noly Panaligan ay pumanaw noong June 23, 2004.

Ilan sa mga larawang iginuhit ni Noly
Panaligan sa Komiks

"Payaso"
katha't guhit ni Noly Panaligan


Noly Panaligan cover illustration for
Tagalog Klasiks
"Wanted Johnny L"
Written by Ricardo Santos Niespla

"Sherlock Holmes"
Ang isa sa comics illusrtration ni Noly 
sa comics abroad
 "The Phantom Who saw His Future"
Another illustration of Panaligan's in comics 
abroad
Binong Lambanog



Si “Binong Lambanog”  ay likhang  cartoon character ni Noly Panaligan at
nalathala sa mga pahina ng  Halakhak Komiks.
 

Reference:
A History of Komiks of the Phil. & Other Countries



Tuesday, December 11, 2007

Writers (J)



Ading Gonzales

Ading Gonzales
Komiks Illustrator/Writer

Sa nobelang pinagtambalan nila ni Carlo J. Caparas na “Bertong Bayawak” ko unang napansin ang dibuho ni Ading Gonzales na nalathala sa Pilipino Komiks ng Atlas Publication, ganoon man dekada 60 pa lang ay aktibo na siya sa kanyang illustration career. Isa pa sa napansin ko ay ang pagkakahawig nila ng estilo ni Romy Tanghal. Hindi lang dibuhista, isa ring mahusay na writer-novelist si Ading. Marami siyang ginawang katha’t guhit noong panahon niya. Ilan sa mga obra niya ay ang “Sandi” (1963) para sa Holiday Komiks, “Jumping Jack” (1965) sa Kislap komiks, “Gino Dragon” (1972) Ading Gonzales sa Pinoy klasiks, “Mighty Mike” (1966) sa Pinoy komiks, Thunderbird” (1965) sa Pioneer Komiks, “Ang Mga Kasalanan ni Emmaruth (1970) sa Holiday Komiks at marami pang iba. Bahagi pa rin ng dekada 70 nang magtungo sa US at dito gumawa ng kanyang mga trabaho si Ading Gonzales. He had a regular stint drawing “Batman & Superman” in World’s Finest during 1980’s. He also contributed to “Unknown World of Science Fiction”. Since 1985 he worked as a model designer and storyboard artist for Marvel, Ruby-Spears, Hanna-Barbera, Graz, Universal, New World and MGM.

Ading 's cover illustration for Filipino Funny
Komiks

"Ang mga Kasalanan ni Emmaruth"
Ang isa sa katha't guhit ni Ading Gonzales


"Sa Ngalan ng Ama at ng Anak"
Ang nobelang pinagtambalan nina Ading at
Carlo J. Caparas

"Heras"
Isa pang nobelang magka-tandem ang
Gonzales-Caparas

Ref:
Lambiek-Comiclopedia